TunayNaChicks
Chie Yamzonl f l FIL l 18 l INLOVE


three words for me babe(:






ang tunay na chicks alam kung kelan magtitiis at kung kelan bibitiw

ang tunay na chicks, hindi pumapayag na iba ang magdesisyon para sa buhay niya.

ang tunay na chicks, hindi kailangang ilantad ang katawan niya para mapatunayan na maganda siya.

ilookprettywhenimmesssy:

Basha: kailangan ko to’, kailangan mo rin.

Popoy: Pero ikaw ang kailangan ko. :(

Aminado naman ako na isang punto sa pag sasama namen e naging unsure ako kung mahal ko pa ba siya tulad ng dati, siguro dahil malayo siya, nasanay ako na lagi lng siyang malapit sakin, ung bawat kilos ko nakaalalay siya, at namiss ko talaga ung kalinga na binibigay niya sakin, na walang pumantay kahit sino man (hanggang ngayon). marami naman dumating sa buhay ko, madami tlga, peo ngaun ko lng naisip na hindi napantayan ng pag dating nila ang pag alis niya.

hindi madali sakin na bumitaw nalang at talikuran bigla ung mga bagay na nakasanayan ko na kasama siya. peo nagawa ko:( 

nung una nakakaya ko pa, parang okay lng, sinasabi ko pa sa sarili ko (ung iba nga mas matagal sila, tapos nag hiwalay peo na kaya nila, siguro naman kaya ko din.) pero un ung akala ko, maling mali pala ako, nung una parang normal lng walang nag bago, (wala akong namimiss dahil simula naman nung napunta siya sa canada hindi nmn niya ako tinetext palagi tulad ng mga ginagwa ng mga mag bf-gf), salamat din sa mga kaibigan ko na nililibang tlga ako, peo sa simula lng pala un. habang tumatagal hinahanap ko ung jopo na minahal ko, at mas minahal ako. ung mga bagay na ginagwa namen, nung araw araw kame mag kasama (kumaen ng fishball after school, magsimba ng madaling araw at mag almusal sa school, kumaen ng pizza pag may kelangan icelebrate, ung pag punta niya sa bahay tuwing Saturday 1-8pm, at pagsundu niya saken twing sunday morning para magsimba, ung mga awayan namen, at pag kuha niya ng video sakin, habang busy sa pag gawa ng project o kht anu man.) wala naman espesyal sa relasyon namen, gngwa din naman namen ung mga gngwa ng normal couples. pero pag naiisip ko, wala akong ibang maisip na ibang couple na ganun ung pag mamahal sa isat isa.


hinahanap hanap ko siya sa lahat ng bagay, na nakapaligid sakin, nung araw nga na mag hiwalay kame ung ulam namen ng ate ko sa apartment eh ung ulam na paborito niyang niluluto ng mama ko, so habang kumakaen kame, umiiyak naman ako ng sobra. 

tinanung niya ako kung bakit ako nakipag hiwalay sakanya, kasi hindi naman niya agad natanggap yun’. sumasagot naman ako ng matino, sinasabi ko na nahirapan talaga ako na malayo siya, naiingit ako sa mga couples na nakikita ko(ung pakiramdam ba na pag nakikita ko sila eh, 1 week palang sila peo nagkakasama sila araw araw peo kami na 2 years na, hindi ko siya makasama, ni hindi ko siya makita at mahawakan. masakit un masakit na masakit:(), at hindi ko na maramdaman na ako ung babaeng nakilala niya nung bago pa maging kami. aminado din naman ako na naging ganto lng ako dahil sakanya, siya ung nag sabi sakin kung anu ang bagay sakin at hindi, ang tama at mali, ang dapat at hindi dapat.

nung makipag hiwalay ako sakanya takot na takot ako. kasi hindi ko alam kung anung sasabihin ng mga tao sakin, ung mga kaibigan namen, teachers, relatives, lalo na ung parents niya at parents ko. kasi iniisip ng lahat na kame na ang magkakatuluyan hanggang tumanda kame. at ganun din naman kame, peo may mga bagay lng tlga na ngyayare na hindi ko maipaliwanag. ayoko din ung kapag nagpalit kame ng relationship status sa facebook ay pag ppyestahan ng mga tao, peo hindi ko naranasan un, kasi hindi niya pinaranas sakin, nagpalit siya ng stat peo dinelete niya para wala na munang makaalam. hindi naging madali ang lahat:( 

nung araw na kausap ko ung best friend ko, sabi niya “alam mo ibang iba kana.” sinagot ko naman, “anu kaba hindi ako nagbago nu, ganto parin ako, nawala lng si jopo sa buhay ko." at sagot naman niya na nagpahinto sa mundo ko for a while "pero si jopo ang lahat sa buhay mo." tama naman ang best friend ko na saksi si lahat ng pinagdaanan namen, simula ligawan hanggang hiwalayan. tama siyang si Jopo ang lahat lahat ko. 

may maganda din naman naidulot ung pag hihiwalay namen e, nasubukan kong mabuhay at gumawa ng desisyon na ako lng ang may gawa, na walang iniisip kung di ang sarili ko. dati kasi nung kame pa e pag alam kong hindi niya magugustuhan hindi ko na gagawin, ngaun ang dami ko nagawa, masaya naman e, masaya talaga, peo hindi pumantay ung saya sa saya na nararamdaman ko pag si jopo ang kasama at kausap ko. 

tinatanung ko ung pinsan ko, "balikan ko nalang kaya siya? mahal ko siya e, mahal na mahal tlga." sagot naman niya "e bkt ka ba nakipag hiwalay?" sagot ko “kasi nahirapan ako sa sobrang layo niya” sagot ulit niya "nakikita naman namen na mahal na mahal mu siya, peo nakipaghiwalay ka dahil nahihirapan ka at malayo siya, tinggin mu ba pag binalikan mu siya eh babalik siya dito at hindi ka na mahiihirapan? hindi nmn db? pag naging kau ulit, nasa Canada pa rin siya at mauulit nanaman ung hirap na naranasan mo."

may point siya. yan ung huling pag uusap namen nung pinsan ko na un. 

sabi sakin ni mikki kung anu ang makakapagpasaya sayo un ung gawin mo.

simula noon hanggang ngaun si jopo lng nmn ang nakapagpasaya sakin nang sobra sobra eh, ung tipong nagugunaw na ung school namen, peo masaya pa din kame dahil kasama ko siya.  

Pero ngayon hindi pa din kame nagbabalikan kasi nagiipon pa ako ng lakas ng loob, kasi ni reject ko na siya nung nakikipagbalikan siya, dalawang beses dn un.  ihahanda ko muna ung sarili ko sa magiging sagot niya kung sakali.

hindi ko pinagsisihan kung ano man ung nagawa kong desisyon kasi may mga dumating naman sa buhay ko at may mga nagawa ako ng bagay na hindi ko nagagawa nung kasama ko pa siya. 

NAMISS KO UNG AKO SI MAMA, AT SI JOPO SI PAPA.

nangyare na ung mga bagay bagay, siguro eto tlga ang gusto ni Lord. 

sobrang haba na ne to sa susunod ulit(: 

ang saya ko lng na nailabas ko to. 

thanks, tumblr<3

theme by Curly Tweets.